|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng United Nations - Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) Joint Mission na nailabas na ng Syria ang lahat ng mga sandatang kemikal nito para wasakin.
Winika ito ng nasabing Joint Mission sa isang press release.
Noong Nobyembre ng 2013, pinagtibay ng UN Security Council at OPCW ang detalyadong plano hinggil sa pagwasak ng lahat ng sandatang kemikal ng Syria bago mag-ika-30 ng Hunyo, 2014.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |