Sumapi kahapon ang New Zealand bilang ika-24 na miyembro ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ipinatalastas ito kahapon ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, bansang tagapagtaguyod sa pagtatatag ng AIIB.
Ang ibang 23 miyembro ng AIIB ay Bangladesh, Brunei, Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Oman, Pakistan, Pilipinas, Qatar, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Uzbekistan at Biyetnam.
Nakatakdang tapusin ng mga kasaping bansa ang talastasan at paglagda sa Karta at mga regulasyon ng AIIB bago ang katapusan ng darating na Hunyo. Naka-iskedyul namang isaoperasyon ang bangkong ito bago magtapos ang 2015.
Ang AIIB, isang inter-governmental na institusyon ay naglalayong pasulungin ang kaunlaran ng mga bansang Asyano sa pamamagitan ng pamumuhunan sa impraestruktura ng nasabing mga bansa.
Salin: Jade