|
||||||||
|
||
Mga kabaong ng mga nasawi ng Flight QZ 8501 ng AirAsia
Tatlumpu't apat (34) na bangkay na kabilang sa 162 pasahero at tauhang sakay ng Flight QZ 8501 ng AirAsia na bumagsak noong ika-28 ng Disyembre, 2014, sa Java Sea, ang narekober kahapon.
Ito ang ipinahayag ni Henry Bambang Soelistyo, Puno ng Pambansang Sentro ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesia. Aniya pa, ang lahat ng mga natuklasang bangkay ay naipadala na sa Surabaya Police Hospital para kilanlin.
Sa kabilang dako, "hindi pa natutuklasan ang black box ng bumagsak na eroplano," dagdag pa ni Soelistyo.
Bumagsak ang eroplano sa Java Sea habang lumilipad ito mula sa Surabaya papuntang Singapore noong ika-28 ng Disyembre, 2014.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |