Ayon sa ulat kamakailan ng Indian media, noong unang araw ng buwang ito, idinaos sa kanlurang purok-hanggahan ng Tsina at India ng mga kinauukulang tauhan ng mga tropa ng dalawang bansa doon ang aktibidad bilang pagdiriwang sa pagdating ng bagong taon. Kinumpirma kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang naturang ulat. Aniya, sa nasabing aktibidad, nagpahayag ang kapuwa panig ng magandang pagbati at pag-asa sa bagong taon sa isa't isa, bagay na may positibong katuturan para sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtitiwalaan ng mga tauhan ng kapuwa panig sa purok-hanggahan. Dagdag pa niya, lubos na nagpapakita rin ito ng determinasyon at mithiin ng magkabilang panig sa pangangalaga at pagpapatibay ng kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan.
Isiniwalat din ni Hua na ang nabanggit na aktibidad ay idinaos batay sa umiiral na kasunduan ng dalawang bansa. Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, itinatag ng Tsina at India ang isang serye ng mga mekanismo ng pagtutulungan at pag-uugnayan hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng purok-hanggahan.
Salin: Vera