|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon dito sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina at ang kanyang counterpart na Indiyano na si Manmohan Singh.
Ipinahayag ni Premyer Li ang kahandaan ng panig Tsino na ibayo pang pasulungin, kasama ng panig Indiyano, ang bilateral na relasyon para makapagtamo ng mas maraming bunga nang may taglay na determinasyon at tiwala.
Ipinahayag naman ni Singh na ang ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Indiya ay isa sa mga priyoridad ng mga patakarang diplomatiko ng Indiya. Ipinahayag niyang ang pagtutulungan ng dalawang bansa ay magiging puwersang di-maaaring mawala sa pangangalaga ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, kapuwa humarap sa mga mamamahayag si Premyer Li at Punong Ministro Singh.
Sinabi ni Premyer Li na sa pagdalaw ni Singh, maraming narating na komong palagay ang dalawang bansa at nagpalabas din ang dalawang bansa ng magkasanib na pahayag para itakda ang kinabukasan para sa kanilang estratehikong partnership na pangkooperasyon.
Ipinahayag naman ni Singh na ang pagpapanatili ng magandang relasyon ng Indiya at Tsina ay estratehikong hangarin ng kanyang bansa.
Tumayong-saksi ang dalawang lider sa paglagda ng siyam na kasunduang pangkooperasyon na kinabibilangan ng Kasunduan sa Kooperasyong Pandepensa sa Hanggahan o Border Defense Cooperation Agreement.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang narating na kasunduang panghanggahan ng Tsina't Indiya ay muling nagpakita ng determinasyon at hangarin ng dalawang bansa para patatagin ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.
Ang narating na kasunduang panghanggahan ay batay sa mga kasunduan na narating ng dalawang panig noong 1993, 1996 at 2005 na kumikilala sa prinsipyo ng mutuwal at pantay na seguridad.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |