Ipinahayag kahapon ng panig Tsino na ang narating na kasunduang panghanggahan ng Tsina't Indiya ay muling nagpakita ng determinasyon at hangarin ng dalawang bansa para patatagin ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.
Sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Kasunduan sa Kooperasyong Pandepensa sa Hanggahan o Border Defense Cooperation Agreement ay isa sa siyam na kasunduang pangkooperasyon na nilagdaan ng Tsina't Indiya sa pagdalaw ni Punong Ministro Manmohan Singh sa Tsina.
Ang narating na kasunduang panghanggahan ay batay sa mga kasunduan na narating ng dalawang panig noong 1993, 1996 at 2005 na kumikilala sa prinsipyo ng mutuwal at pantay na seguridad.
salin: Jade