Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaysia, Tsina at Australia, pinag-uusapan ang pagdaragdag ng bapor sa paghahanap sa nawawalang MH370

(GMT+08:00) 2015-01-12 11:06:33       CRI

KUALA LUMPUR—Sinabi kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na nag-uusap ang kanyang bansa, Tsina at Australia hinggil sa pagdaragdag ng isa pang bapor sa paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.

Aniya pa, sa kasalukuyan, tatlong bapor ang naghahanap pa rin sa nawawalang eroplano sa Indian Ocean. Ipinagdiinan niyang kahit mayroong mga propesyonal na kagamitan ang nasabing mga bapor, nahihirapan ang mga ito sa paghahanap dahil sa lawak at lalim ng karagatan. Anim na libong (6000) metro ang karaniwang lalim ng dagat na pinaghahanapan.

Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng Marso (Beijing/Manila time), 2014. Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.

Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>