Ipinahayag kahapon ni Jailani Johari, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon at Multimedia ng Malaysia na sa hinaharap magkakasamang magsasapubliko ang Malaysia, Tsina at Australia ng impormasyon hinggil sa paghahanap ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Idinagdag pa niyang ang nasabing desisyon ay ginawa ng tatlong bansa pagkaraan ng kanilang talastasan.
Ang nasabing tatlong bansa ay patuloy na naghahanap sa Indian Ocean ng nawawalang eroplano.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade