|
||||||||
|
||
Noong 2013, iniharap ng Tsina ang dalawang proposal hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na tinatawag ding "Belt and Road Initiative." Upang matupad ang mga ito, noong 2014, itinatag ng Tsina ang Silk Road Fund at lumagda rin, kasama ang iba pang 20 miyembro, sa Memorandum of Understanding para itatag ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Ayon sa mga dalubhasang Tsino, sa pagpapasulong ng nasabing dalawang proposal, mas maraming pragmatikong hakbangin ang inaasahang isasagawa ng Tsina at mga may kinalamang bansa.
Sinabi ni Zhang Junkuo, dalubhasa mula sa Development Research Center (DRC) ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, na ang pinakapriyoridad ng magkakasamang pagpapatupad ng "Belt and Road Initiative" ay paunlarin ang imprastruktura ng mga bansang dinadaanan ng "Belt and Road Initiative," at ang pangunahing layunin nito ay pasulungin ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng mga bansa.
Ayon din sa dalubhasang Tsino, karamihan sa mahigit 60 bansa sa kahabaan ng "Belt and Road Initiative" ay bagong economy at umuunlad na bansa at maganda ang prospek para sa kanilang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.
Sinabi ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa Boao Forum For Asia 2014, sa susunod na limang taon, aabot sa 10 trilyong US dollar ang halaga ng pag-aangkat ng Tsina, lalampas sa 500 bilyong US dollar ang pamumuhunan sa ibayong dagat at aakyat sa 500 milyong person-time ang bilang ng mga turistang Tsino na maglalakbay sa mga bansang dayuhan. Makikinabang dito ang mga kapitbansa ng Tsina at mga kasaping bansa ng "Belt and Road Initiative."
Ang land-based na Silk Road Economic Belt na nagsisimula sa Tsina ay dumadaan sa Central Asia at Rusya, hanggang sa Europa. Samantala, ang 21st Century Maritime Silk Road ay nagsisimula rin sa Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. Mula naman sa Malacca Strait, tumutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, dumadaan ito sa Gitnang Silangan at Silangang Aprika at nag-uugnay sa land-based Silk Road sa Venice.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |