|
||||||||
|
||
Kasalukuyang isinasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Maldives.
Kaugnay nito, isang Magkasanib na Komunike ay ipinalabas kahapon ng dalawang bansa ng.
Ayon sa Komunike, sang-ayon ang dalawang panig na pahigpitin ang kanilang pagtutulungan pangkabuhayan sa dagat pangkaligtasan sa dagat.
Ipinahayag din ng Maldives ang kahandaan sa pakikipagtulungan sa Tsina sa pagtatatag ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo.
Bubuo rin ang dalawang bansa ng Magkasanib na Lupon sa Kabuhayan at Kalakalan para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. Nakatakdang magdaos ng unang pulong ang Lupon sa loob ng taong ito.
Samantala, isasaalang-alang ng Tsina ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa pagtatayo ng tulay na nag-uugnay sa Male at Hulhule, isang isla na malapit sa Male.
Ang pagdalaw ni Xi ay ang kauna-unahang pagbisita sa Maldives ng isang puno ng estado ng Tsina nitong 42 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ayon sa isang bersyon ng Maritime Silk Road na iminungkahi ni Pangulong Xi sa kanyang pagbisita sa Sentral Asya noong 2013, magmumula ito sa Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang Fujian sa timog-silangan ng Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansang ASEAN. Mula naman sa Malacca Strait, tutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, uugnay ito sa land-based Silk Road sa Venice sa pamamagitan ng Red Sea at Mediterranean.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |