"Ang patakaran at aksyong isinasagawa ng Hapon sa larangang militar at panseguridad ay may kinalaman hindi lamang sa direksyon ng pag-unlad ng Hapon sa hinaharap, kundi maging sa seguridad ng rehiyon." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagsusog ng Hapon sa Konstitusyon at pagsasagawa ng karapatan sa collective self-defense.
Sinabi ni Hong na sinusubaybayan ng Tsina ang Hapon kung tatahak o hindi sa landas ng mapayapang pag-unlad. Umaasa aniya siyang maayos na maisasagawang Hapon ang mga aksyong militar sa larangang panseguridad at igagalang ang pagkabahala ng ibang mga bansa sa seguridad na panrehiyon para maiwasan ang mga pangyayaring posibleng makapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.