Binigyang-diin kahapon ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulong Tsino, at Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC, na dapat mahigpit na mapigilan ang pagkalat ng korupsyon, buong sikap na pasulungin ang konstruksyon ng malinis na partido at pamahalaan, at igiit ang gawaing paglaban sa korupsyon.
Sa Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina, sinabi ni Xi na ang pagsisiyasat at pagparusa sa mga kaso ng paglabag sa batas at tadhana ng CPC ng mga dating mataas na opisyal nina Zhou Yongkang, Xu Caihou, Ling Jihua at Su Rong, ay nagpapakita sa buong bansa at daigdig na maaring tumpak na pakitunguhan ng CPC ang sariling problema at iwasto ang mga ito.
Kaugnay ng konstruksyon ng malinis na partido at pamahalaan at gawaing paglaban sa korupsyon, sinabi ni Xi na dapat pabutihin ng CPC ang mga sistema na kinabibilangan ng sistema ng pagsusuperbisa sa sarili, sistema ng pagpili at paghirang mga opisyal, at sistema ng pagsusuperbisa sa mga bahay-kalakal na ari ng estado.
Bukod dito, sinabi pa ni Xi na dapat palalimin ang reporma sa mga sistema at mekanismo ng CPC para istandardisahin ang proseso ng takbo at limitahan ang paggamit ng kapangyarihan.