|
||||||||
|
||
TEHRAN—Isinakdal kahapon ng organong hudisyal ng Iran ang US-Iranian correspondent ng Washington Post na si Jason Rezaian.
Ipinahayag kahapon ni Abbas Jafari Dolatabadi, Punong Prokurador ng Tehran, na ang Iran Revolutionary Court ang mamamahala sa kaso ni Rezaian.
Hindi isiniwalat ni Dolatabadi ang krimen ng isinakdal na dual national correspondent.
Si Rezaian, 38 edad, ay naaresto noong ika-22 ng Hulyo, 2014. Nakaditene siya hanggang ngayon.
Sapul nang putulin ng Iran at Amerika ang kanilang relasyong diplomatiko noong 1979, ilang Amerikano ang nadakip at naditene ng Iran dahil sa iba't ibang krimen. Noong 2011, si Amir Mirza Hekmati, US-Iranian marino ay nadakip ng Iran sa krimen ng espiyonahe, pero pinakli ito ng kanyang sarili, pamilya at Kagawaran ng Estado.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |