|
||||||||
|
||
Naka-iskedyul na lumisan ngayong araw ng Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina para lumahok sa taunang World Economic Forum (WEF) na gaganapin sa Davos, Switzerland. Bibisita rin siya sa Switzerland.
Sinabi ni Wang Fan, Pangalawang Presidente ng China Foreign Affairs University na, sa idaraos na WEF, inaasahang ilalahad ni Premyer Li ang pagkakataon na ipagkakaloob ng Tsina sa daigdig sa pamamagitan ng pambansang reporma at pagbubukas. Ihahayag din niya ang pag-asa ng Tsina na mapapalalim ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang dayuhan.
Noong Hulyo, 2014, nagkabisa ang Kasunduan ng Tsina at Switzerland sa Malayang Sonang Pangkalakalan. Ipinalalagay ni Wang na ang gagawing pagdalaw ni Premyer Li ay magpapasulong sa pagtupad at pagpapayaman sa nasabing kasunduan ng dalawang bansa.
Bukod dito, lalagda ang Bangko Sentral ng dalawang bansa sa kasunduang pangkooperasyon. Tatalakayin din nila ang hinggil sa internasyonalisasyon ng RMB, salapi ng Tsina.
Mag-uusap din ang premyer Tsino, kasama ang mga opisyal na Swiss, ng mga idaraos na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Switzerland.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |