Nagtagpo kahapon dito sa Beijing si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF).
Ipinahayag ni Li na sa kasalukuyan, ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig ay wala pa ring kaseguruhan at may ilang di-matatag na elemento. Dapat magkaroon ng kooperasyon ang mga maunlad at bagong ekonomiya para magkakasamang maharap ang mga malaking hamon at mapahigpit ang tunguhin ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Schwab na ang talumpati ni Li sa summit ng WEF sa Aprika ay nakapagpasigla sa mga mamamayan ng Aprika. Ang reporma at pagpapaunlad ng Tsina ay nakakabuti sa pag-ahon ng pandaigdig na kabuhayan. Pinasasalamatan ng WEF ang pagkatig ng Tsina at nakahandang palakasin ang kooperasyon nila ng Tsina.
salin:wle