Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino nagsabing masayang lumisan si Pope Francis

(GMT+08:00) 2015-01-20 15:33:24       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na lubhang masaya si Pope Francis sa kanyang pagbabalik-tanaw sa limang araw na pananatili sa Pilipinas.

Ani Pangulong Aquino, tuwang-tuwa si Pope Francis sa kabutihan ng mga Filipino sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanya. Ito ang kanyang pahayag sa isang ambush interview matapos ang send-off ceremonies sa dumalaw na pinuno ng Vatican State sa Villamor Air Base kaninang umaga.

Ikinatuwa ng Santo Papa ang ipinadamang init ng sambayanan, dagdag pa ng pangulo. Isang malaking pagkakataon at prebelihiyo na maglingkod sa mga mamamayang Filipino ayon kay pangulo.

Hindi umano naitanong ni Pangulong Aquino kung nagbabalak bumalik ng Santo Papa sapagkat maliwanag na lubhang napagod ang panauhin sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas.

Ang ikinalat na seguridad ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa sapagkat umabot sa 40,000 mga pulis, kawal at mga alagad ng iba pang law enforcement agencies ang nakasama sa "security blanket."

Bago nagtungo sa paliparan, nakadaupang-palad niya ang mga opisyal ng pamahalaang nasa likod ng matagumpay na pagdalaw sa Pilipinas. Namangha umano ang Santo Papa sa bilang ng mga sumalubong at dumalo sa kanyang mga pagdalaw sa iba't ibang pook. Tinatayang na sa pag-itan anim hanggang pitong milyong katao ang naipon kahapon sa Luneta at sa mga karatig pook.

Para kay Pope Francis, kakaiba ang kanyang karanasan sa Pilipinas sapagkat una niyang naranasan kung ano ang kahulugan ng bagyo. Kailangan niyang putulin ang kanyang maghapong iskedyul sa Leyte sapagkat lumakas ang ulan at hanging dala ng sama ng panahong "Amang."

Sa halip na tumagal ng hanggang ika-lima ng hapon, tinapos niya ang lahat ng pakikipag-usap at pakikinig ganap na ala-una ng hapon noong Sabado.

Pabalik na ng Roma si Pope Francis at darating mga pasadong hatinggabi oras sa Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>