Idinaos kahapon sa Phnom Penh, Kambodya ang Ambassador Cup na Pinal na Paligsahan ng Pagkanta ng Awiting Tsino.
Sumali rito ang 12 kabataang Kambodyano mula sa iba't ibang lugar ng bansa. Si Keath Piseth ay tinanghal na kampeon. Kinanta ni Piseth ay isang awiting etniko na pinamagatang "Sa isang Malayong Enkantadong Lugar."
Sa kanyang talumpati sa paligsahan, ipinahayag ni Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya ang kanyang pag-asang magsisilbing plataporma ng pagpapasulong ng pagkakaibigan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan ng Tsina at Kambodya ang Ambassador Cup na ito.
Salin: Jade