Ayon sa China Economic Net (http://en.ce.cn/), ang Rice Bank ng Kambodya ay nagpapasulong ng kaunlaran ng agrikultura at kanayunan at nagbibigay-tulong sa mga magsasaka ng bansa sapul nang opisyal na isaoperasyon ito noong Agosto, 2014.
Napag-alamang ang pangunahing serbisyo ng nasabing bangko ay ang pagbibigay ng pautang para sa mga magsasakang nagtatanim ng palay, bahay-kalakal ng bigas, bigasan at bahay-kalakal na nagluluwas ng bigas. Puwede rin silang magsangla ng palay o bigas para makuha ang pautang.
Bilang isa mga pangunahing bansa sa daigdig na may mahabang kasaysayan sa pagsasaka ng palay, patuloy na tumataas ang produksyon ng bigas ng Kambodya. Pero, ang kakulangan sa pondo sa pagpoproseso ay nagsisilbing hadlang sa pagluluwas ng bigas ng bansa. Bilang tugon, itinatag ng pambansang samahan ng bigas at sektor ng pagbabangko ang Rice Bank.
Salin: Jade