"Isinasaalang-alang ng Unyong Europeo(EU) ang pagpataw ng mas mahigpit na sangsyon laban sa Rusya." Ito ang ipinahayag kahapon ng Konseho ng EU sa isang pahayag bilang reaksyon sa paglalala ng situwasyon sa gawing silangan ng Ukraine.
Anito, kinondena ng EU ang pambobomba na naganap kamakailan sa isang panirahan-purok sa Mariupo sa silangan ng Ukraine. Tinututulan ng EU ang pagpapadala ng Rusya ng mas maraming sandata sa oposisyon ng Ukraine.
Nitong ilang araw na nakalipas, lumalala ang situwasyon sa silangan ng Ukraine, at ipinatalastas ng pamahalaan ng Ukraine ang pangkagipitang kalagayan sa Donetsk at Lugansk.