Nag-usap kagabi sa Berlin ang mga Ministrong Panlabas ng Alemanya, Pransya, Rusya, at Ukraine para talakayin ang paraan ng mapayapang paglutas sa krisis ng Ukraine batay sa Minsk Agreement.
Ayon sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pag-uusap, inulit ng mga ministrong panlabas na dapat komprehensibong isakatuparan ang Minsk Agreement. Nanawagan din sila sa dalawang nagsasagupaang panig sa dakong silangan ng Ukraine na agarang itigil ang putukan at itigil ang paggamit ng mga heavy weapons.
Ipinahayag nila na dapat matamo muna ang progreso sa pagsasakatuparan ng Minsk Agreement, pagkatapos saka lamang maisasagawa ang pagtatagpo ng mga lider ng naturang 4 na bansa sa Astana, kabisera ng Tazakhstan.