|
||||||||
|
||
Ang mga kabataang Pilipino ay pang-siyam sa talaan ng sampung bansang Asyano pagdating sa karaniwang kita bawat buwan.
Ito ang resulta ng isang survey na isinagawa kamakailan ng Nikkei Asian Review, magasin ng Hapon hinggil sa pinansya ng Asya. Dalawang libong (2,000) college graduates na may edad na 20 o mahigit mula sa sampung bansang Asyano na kinabibilangan ng China, Japan, South Korea, Singapore, Thailand, India, Indonesia, Vietnam, Pilipinas, at Malaysia ang respondents ng survey.
Pagdating sa karaniwang buwanang kita, ang mga kabataan ng Singapore ay binabayaran ng US$3,050 na itinatalang unang puwesto. Ang mga kabataan ng Timog Korea, Hapon at Tsina ay kumikita ng US$2,118, US$1,864, at US$1,355 bawat buwan ayon sa pagkakasunud-sunod.
Samantala, ang buwanang kita ng mga kabataang Biyetnames ay ang pinakamaliit na nagkakahalaga ng US$340.
Ang panlima hanggang pansiyam sa puwesto ay hawak ng Malaysia, India, Thailand, Indonesia at Pilipinas.
Kaugnay ng sense of affluence noong 2014, ang mga kabataang propesyonal mula sa Indonesia na kumikita ng US$593 buwat buwan, ay naitala sa unang puwesto. Ang sumusunod ay ang Tsina, Indonesia at Biyetnam. Pero, 25% at 28% lamang sa kabataang Hapones at Timog Koreano na may mas mataas na suweldo ay nag-isip na "financially well-off" noong 2014.
Salin/editor: Jade
Proof-reading: Machelle
***editor's note: sa kabila ng pagsisikap ng editor na ito, hindi nahanap ang eksaktong figure pagdating sa karaniwang buwanang kita ng mga Pinoy. Pero, ang puwedeng malaman ay ang karaniwang buwanang kita ng mga kabataang Pinoy noong 2014 ay nasa pagitan ng US$340 kita ng ika-10 puwestong Biyetnam at US$593 kita ng ika-8 puwestong Indonesia.
Kung matutuklasan ninyo ang eksaktong bilang, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin. Mayroon kaming munting regalo para sa inyo. Maraming salamat po:)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |