Ipinahayag kahapon ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na positibo ang pamahalaan ng HKSAR sa lahat ng mga mungkahing angkop sa Saligang Batas ng HKSAR at Desisyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) hinggil sa maayos na pagpapasulong ng repormang administratibo ng HKSAR.
Kaugnay ng maling pag-unawa ng mga tao hinggil sa paraang elektoral sa pagka-punong ehekutibo ng HKSAR, ipinaliwanag ni Leung Chun Ying na sa anumang paraan ng halalan, kailangan ding hirangin ng pamahalaang sentral.