Ipinahayag kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN at Tagapangulo ng UN Security Council(UNSC) ng kasalukuyang buwan, na tatalakayin ng UNSC ang mga isyung panrehiyong kinabibilangan ng usapin sa South Sudan, Somalia, Iraq, Yemen, Syria at iba pa. Iminungkahi rin aniya ni Liu ang pagdaraos ng panel discussion na pinamagatang "Pangangalaga sa Kapayapaan at Seguridad ng Daigdig." Dagdag pa niya, ito ay makakatulong sa ibayo pang pangangalaga sa kapayapaan, seguridad at katarungan ng daigdig.