|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na tinanggap na ng panig ng UN ang 16 na dokumento na iniharap ng Palestina hinggil sa pag-aaplay sa pagsapi sa mga kombensyon at kasunduang pandaigdig na kinabibilangan ng Rome Statute of the International Criminal Court.
Kinumpirma ng naturang tanggapan na sinusuri ng opisyal ng UN ang naturang mga dokumento, para ipasiya ang susunod na angkop na hakbang.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |