Ayon sa estadistika na isinapubliko kamakailan ng Sekretaryat ng ASEAN, nitong 20 taong nakalipas, mas mataas ang bahagdan ng paglaki ng kalakalan sa pagitan ng mga bansang ASEAN kumpara sa pagitan ng ASEAN at mga bansang di kasapi ng ASEAN.
Batay sa datos, mula noong 1993 hanggang 2013, ang karaniwang taunang paglaki ay umabot sa 10.5% sa pagitan ng mga kasapi, at sa mga hindi naman kasapi ay 8.9%.
Samantala, mula noong 2003 hanggang 2013, umabot sa 25% ang taunang paglaki ng direktang pamumuhunan sa loob ng ASEAN; at may 13% na paglaki naman ang pamumuhunan mula sa labas ng ASEAN, kada taon.