Sinabi kahapon ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, na hindi kayang lutasin ng paraang militar ang krisis ng Ukraine, kaya dapat lutasin ng iba't ibang may kinalamang panig ang isyung ito, sa pamamagitan ng paraang pulitikal.
Winika ito ni Merkel sa Ika-51 Munich Security Conference. Sinabi pa niya na ang pagsasagawa ng sangsyon sa kabuhayang Ruso ay nagkakaisang posisyon ng Unyong Europeo (EU) at Amerika, pero ang paghahatid ng mas maraming sandata sa Ukraine ay hindi kalutasan sa sagupaan sa bansang ito.
Bukod dito, nanawagan din si Ursula von der Leyen, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Alemanya, sa iba't ibang may kinalamang panig sa isyu ng Ukraine na panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan sa lalong madaling panahon.