Ayon sa estadistika na isinapubliko kahapon ng General Administration of Customs ng Tsina, bumaba ng 10.8%, sa katatapos na Enero, ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang sa nasabing datos ang 3.2% na pagbaba ng pagluluwas, at 19.7% na pagbaba ng pag-aangkat.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang kalagayang ito ay nagpapakitang hindi pa natatapos ang malalim na pagsasaayos ng kasalukuyanng ekonomiyang pandaigdig, na epekto ng krisis na pinansyal ng daigdig. Anila, pagkaraang gumanap ng papel ang ibat-ibang hakbang ng Tsina sa pagpapasulong ng kalakalang panlabas, tinatayang maisasakatuparan ng bansa ang matatag at katamtamang paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat sa taong 2015.
Ayon sa estadistika, noong Enero, mas malaki ang pagluluwas ng Tsina sa Amerika at ASEAN kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon; pero, mas mababa sa Unyong Europeo, at Hapon. Samantala, mas mababa rin ang pag-aangkat ng Tsina sa kanyang unang 10 trade partners, bukod sa Taiwan.