Ayon sa pinakahuling datos, mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umabot sa 10.3 bilyong dalyares ang kalakalan ng Tsina at Pilipinas. Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa gayunding panahon ng 2013. Sa gayon, ang Tsina ay nagsisilbing pangalawang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, kasunod ng Hapon. Samantala, ang Tsina ay nagiging pinakamalaking pamilihan ng pag-aangkat ng Pilipinas. Hanggang katapusan ng nagdaang Hulyo, umabot sa 5.5 bilyong dolyares ang pag-aangkat ng Pilipinas mula sa Tsina na mas mataas kumpara sa gayunding panahon ng taong 2013.
Ipinahayag kamakailan ni Arsenio Balisacan, Pangkalahatang Direktor ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nitong apat na taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas. Lumalaki rin ang pamumuhunan ng dalawang bansa sa isa't isa. Noong unang anim na buwan ng taong ito, lumampas sa 9.6 bilyong Piso o 214 na milyong dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas, na mas mataas kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Idinagdag pa ni Balisacan na lumalaki ang pamumuhunan ng mga mangangalakal na Tsino sa industriya ng pagyari, serbisyo, at Information and Communication Technology (ICT) ng Pilipinas.
Salin: Jade