NAKHON NAYOK, Thailand—Binuksan dito kahapon ang 12-araw na taunang magkasanib na ensayong Cobra Gold, pinakamalaking pagsasanay-militar sa rehiyong Asya-Pasipiko. Kalahok dito ang halos 20,000 sundalo mula sa Thailand, Amerika, Timog Korea at iba pang bansa.
Ang pokus ng ensayo sa taong ito ay ang makataong tulong at pagliligtas at paghahanap sa panahon ng kalamidad.
Nasa magkasamang pagtataguyod ng Thailand at Amerika ang ensayo. Sa taong ito, 4,300 sundalong Amerikano ang kalahok sa pagsasanay-militar na ito. Mas mababa ito sa bilang noong 2014 na 3,600.
Salin: Jade