|
||||||||
|
||
Sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, sa preskon
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pag-asang malulutas ang krisis sa Ukraine sa paraang diplomatiko. Pero, ipinagdiinan din niyang kung mabibigo ang pagsisikap na diplomatiko, may posibilidad na magkaloob ang kanyang bansa sa pamahalaan ng Ukraine ng malakas na armas na pandepensa.
Ipinahayag ni Obama ang nasabing paninindigan sa kanyang pakikipag-usap kay dumadalaw na Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Hindi naman ipinalalagay ni Merkel na malulutas ang krisis sa Ukraine sa paraang militar at mayroon din aniyang posibilidad na magtigil-putukan ang pamahalaan ng Ukraine at mga sandatahang lakas sa dakong silangan ng bansa.
Ipinagdiinan din ni Merkel na anumang desisyon ang gagawin ni Obama, mananatiling matibay ang alyansa ng Amerika at Europa.
Sa isang may kinalamang development, sa pulong kahapon sa Brussels, ipinasiya ng mga ministrong panlabas ng Uniyong Europeo na ipagpaliban ang bagong sangsyon laban sa sandatahang lakas sa silangan ng Ukraine at Rusya hanggang ika-16 ng buwang ito. Naglalayon itong ibigay ang sapat na panahon sa mga may kinalamang bansa para sa mediyasyong diplomatiko kaugnay ng krisis sa Ukraine.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |