Narating kahapon sa Minsk, kabisera ng Belarus, ang mga mahalagang kasunduan hinggil sa isyu ng Ukraine, ng contact group na binubuo ng Ukraine, Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE), at Rusya.
Ang naturang mga kasunduan ay kinabibilangan ng pag-aalis ng mga heavy weapons ng dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine, mekanismo ng tigil-putukan ng naturang dalawang panig, at pagsusuperbisa sa tigil-putukan.
Sa closed-door meeting ng contact group, tinalakay din ng mga kalahok ang state structure ng Donetsk region ng Ukraine at pagdaraos ng halalan sa lokalidad.
Samantala, hinimok ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang Rusya na pasulungin ang mapayapang paglutas sa krisis ng Ukraine. Sa kanilang pag-uusap sa telepono, tinalakay nina Obama at Putin ang paglala ng sagupaan sa Ukraine at di-umano'y pagsuporta ng Rusya sa mga armadong grupo sa dakong silangan ng Ukraine. Inulit ni Obama ang pagkatig ng Amerika sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Ukraine.