"Positibo ang Tsina sa isinasagawang medyasyon ng mg may-kinalamang panig para sa pampulitikang paglutas sa krisis sa gawing silangan ng Ukraine." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa negosasyon sa isyu ng Ukraine na magkasamang inihandog kamakalawa ng Ukraine, Rusya at Organisasyon sa Seguridad at Kooperasyon ng Europa (OSCE).
Sinabi ni Hua na umaasa ang Tsina na mararating ng mga katugong panig ang kasunduan hinggil sa paglutas sa nasabing krisis sa pamamagitan ng paraang pulitikal para ibalik sa normal ang kalagayan sa gawing silangan ng Ukraine sa lalong madaling panahon.