Sa pahayag na inibalas kahapon sa Website ng Ministring Panlabas ng Rusya, ikinababalaha nito ang pag-iba sa kahuluganng Ukraine at mga bansang kanluranin sa Minsk Agreement.
Ayon sa naturang pahayag, ang pagpilipit sa nilalaman ng naturang mga bansa sa Minsk Agreement ay nagmula sa pag-ahon ng mga ekstrimistang nasyonalismo ng Ukraine.
Ang Minsk Agreement ay naglalayong pasulungin ang tigil-putukan sa dakong silangan ng Ukraine, pag-aalis ng mga heavy weapons at isagawa ang tunay na reporma ng konstitusyon ng bansang ito.
Nanawagan ang Rusya sa iba't ibang may kinalamang panig sa isyu ng Ukraine, na isakatuparan ang kani-kanilang pangako at buong sikap na maigarantiya ang pagsasakatuparan ng Minsk Agreement .
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Igor Konashenkov, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Bansa ng Rusya, na walang anumang ebidensya ang sinasabi ng Amerika na idinedeploy ang mga tropang Ruso sa Debalt'sevo ng Donetsk sa dakong silangan ng Ukraine.