Sa Minsk, Belarus-Idinaos dito kagabi ang summit na nilahukan ng Ukraine, Rusya, Alemanya at Pransya hinggil sa isyu ng Ukraine.
Ipinalalagay ng opinyong pampubliko na ilalatag nito ang pundasyon para lutasin ang krisis ng Ukraine. Anito pa, ang pinakamasusing isyu sa kasalukuyan ay dapat tupdin ang kasunduang tigil-putukan na narating ng mga katugong panig, na kinabibilangan ng grupo ng tatlong tagapag-ugnay sa isyu ng Ukraine na binubuo ng Ukraine, Rusya at Organization for Security and Cooperation in Europe(OSCE), itatag ang non-military zone at igarantiya ang paghatid ng mga humanitarian material tungo sa purok-sagupaan.