|
||||||||
|
||
Si Hua Chunying sa regular na preskon kahapon
Ipinahayag ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa Kasunduan ng Minsk hinggil sa krisis sa Ukraine na narating kahapon ng mga lider ng Rusya, Alemanya, Pransya at Ukraine.
Sa isang regular na preskon kahapon, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang naniniwala ang kanyang bansa na ang paraang pulitikal ay ang siyang tanging kalutasan para sa krisis sa Ukraine.
Umaasa aniya ang Tsina na ang lahat ng mga may kinalamang panig ay makakatalima sa bungang ito at matutupad ang napagkasunduan para maisakatuparan ang kapayapaan at kasaganaan ng Ukraine sa lalong madaling panahon.
Batay sa nasabing bagong kasunduan, magtitigil-putukan ang pamahalaan ng Ukraine at mga armadong grupo sa dakong silangan ng bansa, sa ika-15 ng Pebrero, magtatakda ng petsa para sa halalan sa dakong silangan ng Ukraine, magpapalitan ng mga bilanggo at iba pa.
Sapul nang magsimula ang sagupaan sa pagitan ng pamahalaan ng Ukraine at armadong grupo sa dakong silangan ng bansa, noong Abril, 2014, mahigit 5,000 katao na ang namatay at 12,000 ang nasugatan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |