Ayon sa bagong nilagdaang Minsk Agreement, sinimulan ngayong araw ang tigil-putukan sa dakong silangan ng Ukraine.
Ipinatalastas ngayong araw ni Pangulong Petro Porosenko ng Ukraine na isagawa ang tigil-putukan sa dakong silangan ng bansang ito.
Samantala, ipinahayag ni Igor Plotnisky, lider ng pamahalaan ng Lugansk, na pagkatapos ipatupad ang kasunduan ng tigil-putukan, walang naganap na mga aksyon para sarain ang kasunduan.
Kahapon, patuloy pa rin ang sagupaan sa dakong silangan ng Ukraine at pinuna ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pagpilipit sa nilalaman ng Minsk Agreement ng pamahalaan ng Ukraine at mga bansang kanluranin.