Bilang tugon sa patuloy na pagsasagupaan sa pagitan ng hukbo ng pamahalaan ng Myanmar at armadong grupo ng Kokang National Democratic Alliance Army, nanawagan ngayong araw ang Tsina sa nasabing mga panig na magtimpi at iwasan ang eskalasyon ng alitan.
Kaugnay ng naiulat na ugnayan ng armadong grupo ng Myanmar sa Tsina, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalitang Tsino na hinding hindi pahihintulutan ng Tsina ang anumang organisasyon o indibiduwal na magsagawa ng aktibidad sa teritoryo ng Tsina, na makakapinsala sa katatagan ng hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Idinagdag pa ng tagapagsalitang Tsino na nakahanda ang Tsina na patuloy na gaganap ng konstruktibong papel para sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar, ayon sa hangarin ng nasabing bansa.
Salin: Jade