Ipinahayag kahapon ni Jennifer Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ang paraang diplomatiko at pulitikal ay pinakamainam na paraan para lutasin ang krisis ng Ukraine.
Bukod dito, sinabi niya na ang pagsasagawa ng "proxy war" sa Rusya ay hindi angkop sa kapakanan ng Ukraine.
Pero hindi niya inalis ang posibilidad ng pagkakaloob ng mga malakas na sandata sa Ukraine. Nauna rito, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na isinasaalang-alang ng Amerika ang pagkakaloob ng malakas na sandata sa hukbo ng Ukraine.