Sinabi kahapon ni Pangulong Petro Poroszenko ng Ukraine na dahil ipinatupad ang inaasahang target, sinimulang ilikas ang mga tropang pampamahalaan mula sa Debalt'sevo ng Donetsk sa dakong silangan ng bansang ito.
Ipinahayag ng panig militar ng Ukraine na sapul nang pairalin ang kasunduan ng tigil-putukan sa dakong silangan ng bansang ito noong ika-15 ng buwang ito, ang sagupaan na naganap sa Debalt'sevo ay nagdulot ng pagkamatay ng 22 kawal ng tropang pampamahalaan at pagkasugat ng 158.
Bukod dito, ipinasiya ng Ukraine na hiniling sa United Nations (UN) at Unyong Europeo (EU) ang pagpapadala ng grupong pamayapa sa dakong silangan ng bansang ito.