Inilahad kamakalawa ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang mensaheng pambati para sa Spring Festival o Chinese New Year.
Sinabi niya na ang Spring Festival ay mahalagang pestibal para sa lahat ng mga Tsino at ethnic Chinese sa buong daigdig, at ang Malaysiya ay isang bansa na gumagalang sa iba't ibang lahi, kultura at paniniwala.
Kaya dagdag pa niya, ang Chinese New Year ay hindi lamang pestibal para sa mga ethnic Chinese ng Malaysia, kundi isang pagkakataon para maranasan ng ibang mga mamamayan ng kanyang bansa ang tradisyonal na kulturang Tsino.
Ito aniya ay nagpapakita ng diwang "One Malaysia."