|
||||||||
|
||
请问有洗发水卖吗 我想退货
wikangtsinoaralin19
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Ngayon, ipagpalagay natin na kayo ay nasa supermarket, at gusto ninyong tanungin ang tindero kung may ipinagbibili silang shampoo.
Paano sasabihin sa wikang Tsino ang "mawalang-galang na, mayroon ba kayong ipinagbibiling shampoo rito?"
请(qǐng)问(wèn)有(yǒu)洗(xǐ)发(fà)水(shuǐ)卖(mài)吗(ma)?
请(qǐng), pakiusap, salitang nagpapakita ng paggalang.
问(wèn), magtanong.
请(qǐng)问(wèn), maaari bang magtanong o mawalang-galang na po.
有(yǒu), magkaroon o mayroon.
洗(xǐ), hugasan; 发(fà), buhok; 水(shuǐ), tubig. 洗(xǐ)发(fà)水(shuǐ), shampoo.
卖(mài), itinda o ipagbili.
吗(ma), katagang ginagamit sa pagtatanong at inilalagay sa hulihan ng pangungusap.
Narito ang unang usapan:
A:请问(qǐng wèn)有(yǒu)洗发水(xǐ fà shuǐ)卖(mài)吗(ma)? "Mawalang-galang na, mayroon ba kayong ipinagbibiling shampoo rito?"
B:就(jiù)在(zài)前面(qián mian)的(de)架子(jià zi)上(shàng)。Sa eskaparate sa harap mo.
Sakali naman na may diperensiya ang shampoo na ito at gusto ninyong isauli, maari ninyong sabihing "Gusto ko itong isauli."
我(wǒ)想(xiǎng)退(tuì)货(huò).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
退(tuì), isauli.
货(huò), bagay na binili o produkto.
退(tuì)货(huò), isauli ang binili.
Narito ang ikalawang usapan:
A:这(zhè)个(ge)可(kě)能(néng)坏(huài)了(le),我(wǒ)想(xiǎng)退(tuì)货(huò)。Parang may diperensiya ito. Gusto ko sana itong isauli.
B:您(nín)的(de)发(fā)票(piào)带(dài)来(lái)了(le)吗(ma)? Dala po ba ninyo ang resibo?
A:带(dài)了(le)。Oo, nandito sa akin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |