Idinaos kahapon sa Beijing ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Sentral ang Lunar New Year greetings para ipaabot ang pagbati sa buong bansa.
Dumalo sa greeting ang liderato ng CPC at Pamahalaang Tsino.
Sa kanyang talumpati, iniabot ni Xi, sa ngalan ng CPC at Pamahalaang Tsino, ang pagbati ng Chinese New Year sa lahat ng mga mamamayang Tsino at mga ethnic Chinese sa ibayong dagat.
Bukod dito, sinabi ni Xi na sa taong 2015, patuloy at buong sikap na pasusulungin ng CPC at Pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng kabuhayan, pabubutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan at pangangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan.