Ipinagpatuloy kahapon ng Senado ng Pilipinas ang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa operasyong isinagawa ng Philippine National Police (PNP) kontra sa terorismo. Kinumpirma ni Getulio Napenas Jr., Phlippine National Police-SAF Chief na nagbigay ang mga tauhang Amerikano ng impormasyon sa SAF.
Nang araw ring iyon, isiniwalat ng isang mambabatas ng Mataas na Kapulungan na noong ika-25 ng Enero, may unmaned aircraft na nagsagawa ng aerial photography at ibinigay ang impormasyon sa command center ng SAF, kaya, sa proseso ng pagsasagawa ng SAF ng aksyon at pag-uurong, alam ni Police Director Napenas ang kalagayan.
Inamin ni Napenas na nagkaloob ang Amerika ng impormasyon at mapa para sa aksyong ito. Nguni't, binigyan-diin din niya na hindi direktang lumahok ang tropang Amerikano sa pakikibaka.
Nauna rito, ipinahayag ni Joshua Campbell, Tagapagsalita ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, na walang kinalaman ang kanyang ahensya sa operasyong isinagawa ng Philippine National Police (PNP) .
salin:wle