Ipinahayag kamakailan ni Joshua Campbell, Tagapagsalita ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, na walang kinalaman ang kanyang ahensya sa operasyong isinagawa ng Philippine National Police (PNP) laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon sa ulat ng mass media ng Pilipinas, ang nasabing aksyon ay naglalayong arestuhin sina Zulkifli Abdul Hir, pinaka-wanted na terorista ng Timog Silangang Asya at mahalagang miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI), at Basit Usman, isa pang miyembro ng JI, at ito ay binalak sa tulong ng FBI. Ngunit, pinabulanaan ito ng nasabing tagapagsalita.
Aniya pa, sa kasalukuyan, sinusuri na ng FBI ang mga biological sample ng isang tao para matiyak kung ito nga si Zulkifli. Ang pag-aanalisa sa biometric information ng tao para kumpirmahin ang indentidad ay isa sa mga karaniwang gawain ng FBI, dagdag niya.
Salin: Andrea