|
||||||||
|
||
UMABOT sa 43 kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police ang nasawio samantalang may 11 ang nasugatan sa sinasabing "misencounter" na kinatampukan ng mga pulis at mga rebeldeng Muslim sa Maguindanao
Kumpirmado ni PNP Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina na umabot sa maghapon ang labanan na ikinasawi ng 43 sa kanyang mga tauhan sa isang televised press briefing.
Nakasagupa ng pulisya ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Barangay Tukalanipao.
Pito sa 43 ang mga opisyal samantalang ang 36 ay pawang non-commissioned officers. Isa sa mga NCO ang nawawala.
Nauwi umano sa misencounter matapos pagtangkaan ng mga SAF members na dakpin ang pinaghahanap na kasapi ng Jemaah Islamiya na kinilala sa pangalang Zulkifli bin Hir na kilala rin sa pangalang Marwan. Nagsimula ang operasyon mga ika-sampu ng gabi noong Sabado.
Pauwi na umano ang mga pulis ng tambangan ng mga BIFF at ang ilan ay nakasagupa ng MILF.
Walang kumpirmasyon kung napaslang si Marwan bagama't posibleng nasawi ang wanted personality sa naganap na mga sagupaan.
Prayoridad nilang maibalik ang mga labi at maihatid sa kanilang mga pamilya, dagdag pa ni General Espina.
Sinimulan na ang pursuit operations laban sa mga armadong nasangkot sa sagupaang kinatampukan ng mga pulis sa Maguindanao kasabay ng pagluluksa sa pagkasawi ng ilang police commandoes na naglingkod sa ngalan ng kapayapaan.
Sa isang pahayag mula sa tanggapan ni Deputy Director General Leonardo Espina, ang Officer-in-Charge ng Philippine National Police, sinabi niyang may kalabuan pa ang detalyes ng sagupaang naganap kahapon. May hinahabol ang mga police na isang high-value target na umano'y may malaking pabuya. Na sa likod umano ng serye ng pambobomda sa Central Mindanao ang target.
Inatasan na rin ni General Espina ang kanyang mga tauhang tumulong upang maibsan ang pangamba ng mga naulila. Prayoridad nila ang medical evacuation ng mg may koordinasyon sa militar. Pinag-uusapan na rin kung anong magagawa upang mabawasan ang pangamba ng ibang mga mamamayan.
Ipinarating din ni G. Espina ang kanyang pakikiramay sa mga naulila samantalang naglingkod ng tapat ang mga nasawi.
Sa panig ni General Gregorio Pio R. Catapang, Jr., ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, kahapon pa ng hapon ay tumulong na silang mabawi ang mga labi ng mga nasawi. Nakasagupa ng mga pulis ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Walang mga kawal na nasangkot sa sagupaan.
Ang International Monitoring Team (IMT), Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) at maging sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilitieso CCCH ay nagtungo na sa pook ng pinangyarihan upang matapos sa payapang paraan ang naganap na sagupaan kahapon.
Hanggang ikalima ng hapon kahapon, limang napaslang na pulis pa lamang ang nababawi sa pook ng sagupaan.
Sa pahayag ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police, magtutungo sa Maguindanao sina Deputy Director General Espina at Inteior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas upang tumulong sa pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |