Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matinding pagtutol ng kanyang bansa sa pagmamanman online sa pamamagitan ng pag-embed ng spying software at paglalagay ng backdoors.
Winika ito ni Hong sa isang regular na preskon bilang tugon sa ulat na ini-embed ng intelligence agencies ng Amerika at Britanya ang spying software sa computer system ng isang SIM card maker ng Netherlands, at ang SIM card maker naman ay nagpoprodyus ng SIM cards para sa mga mobile phone company ng Tsina.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na tutol na tutol ang Tsina sa nasabing pag-abuso sa information technology. Nakakapinsala aniya ito sa interes ng mga mamimili. Hinimok niya ang mga may kinalamang panig na iwasan ang muling pagganap ng ganitong pangyayari.
Salin: Jade