Sa kanyang talumpati kahapon sa Diet, ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ang kanyang pag-asang muling maghaharap ang mga lider ng Tsina at Hapon sa lalong madaling panahon para mapasulong ang estratehikong ugnayang may mutual na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na malinaw at di-nagbabago ang paninindigan ng Tsina sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones. Laging naniniwala ang Tsina na ang matatag na pag-unlad ng relasyong ito ay nakakatulong sa interes ng dalawang bansa. Nakaktulong din ito sa kapayapaan ng buong Asya.
Idinagdag pa ng tagapagsalitang Tsino na malinaw na kung bakit nasasadlak sa kasalukuyang situwasyon ang ugnayang Sino-Hapones at umaasa ang Tsina na magsasawaga ang pamahalaang Hapones ng konkretong aksyon para makalikha ng magandang kapaligiran para sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Jade