Hinimok kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Hapon na taos-pusong pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng digmaang pandaigdig laban sa Pasismo na natatapat sa taong ito.
Winika ito ni Hong nang sagutin ang tanong hinggil sa pulong kahapon ng mga dalubhasang Hapones para talakayin kung ano ang kailangang sabihin ni Punong Ministro Shinzo Abe sa kanyang opisyal na pahayag bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtapos ng World War II (WWII).
Salin: Jade