|
||||||||
|
||
Ang knot button o Pan Kou sa wikang Tsino, ay isang uri ng Chinese knot.
Mayroon itong mahigit 2,000 taong kasaysayan, at mababakas sa Dinastiyang Han (B.C. 202—220 A.D.) ng Tsina ang simula ng butones na ito.
Gawang-kamay at ibunubuhol sa pamamagitan ng sinulid ang knot button.
Samu't sari ang hugis ng knot button na gaya ng mga ibon at hayop, bulaklak at halaman. Sa ibaba ang ilang halimbawa ng mga ito.
Knot button sa hugis na paruparo
Knot button sa hugis na bulaklak
|
Knot button sa hugis na dahon
Kadalasang ginagamit ang mga knot button sa cheongsam o qipao ng Tsina dahil ang kasuotang Tsino ay nagtatampok sa ginhawa at lambot.
knot buttons sa cheongsam
Usong uso rin ang knot button bilang palamuti sa iba't ibang gamit.
knot button sa pitaka
knot button na dekorasyon sa imbitasyon sa kasal
photo source: wudaoone WeChat account
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |