|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling ulat ng Xinhua, Opisyal na Ahensiya ng Pagbabalita ng Tsina, 50 katao ang nasugatan sa 5.5 magnitude na lindol na naganap noong Marso 1 sa Yunnan, lalagiwan sa dakong timog-kanluran ng bansa.
Mahigit 81,000 mamamayang lokal ang apektado ng lindol at mahigit 75,000 residenteng lokal ang pangkagipitang inilikas. Mahigit 54,000 bahay ang nasira rin dahil sa lindol.
Ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa Cangyuan County ng Lincang City, Yunnan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ang Cangyuan ay nasa hanggahan ng Tsina at Myanmar. Kalat-kalat ang populasyon sa Cangyuan, pero, kulang sa kahandaan sa lindol ang mga panirahang lokal.
Hanggang kahapon, saligang napanumbalik sa normal ng awtoridad na lokal ang mga lansangan, suplay ng koryente at tubig sa mga apektadong lugar.
Maayos na isinasagawa ang relief work.
Si Jing'e, batang babae na nasugatan sa lindol ay ginagamot ng doktor sa pansamantalang health center sa Mengding Township ng Gengma Dai at Wa Autonomous County.
Ang 10-taong gulang na batang lalaki na si Huang Yunfeu, kasama ang nakababatang kapatid na babae niya, ay tumitingin mula sa isang relief tent sa Mengding Township ng Gengma Dai at Wa Autonomous County.
Pumipila ang mga mamamayang lokal para magpatingin ng doktor sa isang pansamantalang health center sa Mengding Township ng Gengma Dai at Wa Autonomous County.
Photo source: xinhua
Salin: Jade
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |